You are currently browsing the monthly archive for October, 2008.
sana lagnatin ako para may valid reason ako para umabsent! pakiramdam ko sasabog na ko. di ko na alam gagawin ko. this is what i hate about aca week, it brings stress and eyebags. sobrang bigat ng pasanin ng mga bata sa mga panahong to. at ang masaya nito, hindi ka na makakauwi ng maaga. yay! paguwi mo ng bahay nakahandusay ka na sa kama. wala nang kain kain, diretso tulog na, aanhin ng katawan mo ang pagkain kung di mo na kaya idilat ang mga mata mo?
adik, dadagdag pa si filipino play. di siya pasakit, pero nakakapagod siya. and guess what, i left my script in the bandroom, so my weekend was wasted. DAPAT TAPOS NA SCHED NAMEN! shacker. badtrip. so i’ll have to squeeze my schedule and make our schedule.. before wednesday.
) para wala na kong poproblemahin.
may times na gusto ko nang umiyak kasi pakiramdam ko di ko na kaya. pero kaya ko
) may times na gusto ko umiyak kasi namimiss ko na mga tao sa paligid ko. pakiramdam ko, wala na kong time sakanila. pakiramdam ko im taking them for granted. may times din na iiyak ako kasi may mga bagay na gusto mong alisin sa isip mo, pero out of the blue, something or someone will remind you of it. ewan. ang bottomline, gusto ko umiyak kasi pagod na ko.
you must know what you want.-nak
sakit ng ulo ko. gah. kailangan ko ng hug:D
) sana may libro dito. SINONG MAY TWILIGHT NA HINDI GINAGAMIT? BORROW NAMAN.
kawawa naman yung blog ko. wala nang nagcocomment. MALAPIT NA PASKO, comment na lang gift niyo sakin
betrayal is normal… as is love.-antony and cleopatra script.
nakakapagod maging third year!
kung anung petix nung last year ko, ganun ka hectic yung third year ko…
tsk, nawawalan na ko ng panahon sa blog ko. tsk
alam niyo bang kahapon, sobrang di ko magalaw leeg ko. masyado siyang napagod, at natulog akong iniinda ang sakit ng leeg ko. tsk, kawawa naman…
namimiss ko na yung matiwasay na buhay ko. yung maaga ako sinusundo at hindi ako sabog pag-uwi ko ng bahay. yung tipong makakapagrelax pa ko bago magaral saka matutulog. eh ngayon di na ko makapagaral, di na kinakaya ng katawan ko. hay buhay. matatapos rin to.
ayun.. wala ayos kaya pa. sige. wala na rin akong masulat dito.. hehe. ingat kyo.
namimiss ko lang magblog
wala na kasi akong time magpost dito, pag-uwi ko ng bahay nakakatulog na ko agad T.T mahirap maging highschool
hehehe
ingat kayo
reviewers are already available. text lang kayo or IM.. tapos ko na yung chem (minus periodic table), ap, eng at fil. yung comp, iaoutline ko lang yung handouts, so i doubt kung kelangan niyo yun. ccf, nasa book lang naman. tle, it’s kinda complicated, pero i’ll try to make a reviewer. math, wag niyo na ko asahan XD
anyway, advertisment lang
meng’s tutorial services.
ayun, setonians, good luck sa exams!
hindi dapat ako nagbblog ngayon eh. pero dahil ayoko mag-aral (dahil tinatamad). magboblog muna ko. kasi pagkatapos nito, aral na talaga. di pwedeng hindi.
_+_
bakit kaya may taong alam na niyang mali yung ginagawa niya, ginagawa pa rin niya? sakit ba to? o talagang happy siya at ginagamit niya lang ang “freedom” na nadiscuss namin nung isang araw? naisip niya bang walang absolute freedom at ang kalayaan niyang kumuha ng gamit ng iba ng walang paalam ay hindi tama kasi maraming tao ang maapektuhan nito? stupid ba siya? o talagang adik lang siya o baliw o alien na hindi galing sa ibang planeta at sa halip ay nakatira sa asteroid? di ba niya naisip, na sa kagustuhan niyang mapaligaya ang sarili ay maraming luha ang ibubuhos ng taong nawalan?
KUNG SINO KA MAN, pagpalain ka sana ni Lord, sana bigyan ka niya ng wisdom para malaman mo ang pagkakaiba ng “tama” sa “mali”
_+_
gusto niyo marinig araw ko? malamang hindi, kasi aanhin niyo ba naman ang salaysay ng isang penguin tungkol sa buhay niya sa paaralan diba? saka ano namang ikkwento nia sainyo? yung pagupo niya ng ilang oras sa klase, kunwaring nakikinig sa guro pero hindi naman talaga? at yung pagtayo niya paminsan minsan para magrecite at magsabi ng mga salitang hindi naman yata magagamit sa pang-araw araw na buhay?
tulad ng geometry. kapag ba bumili ako ng kendi sa tindahan, tatanungin ba ko ng tindera kung ano ang c kung ang m ay = sa 5 at ang n ay = 4? magpapakita ba siya ng figure? pano kung di ko masagot? dodoblehin ba niya ang presyo ng kendi na makapagbibigay sakin ng ligaya, kahit sa sandaling panahon lang?
waa, dala lang to ng mga pangyayari ngayong araw. hindi ko alam kung tao pa ba ko o tuluyan na kong nag-evolve at naging full pledge penguin na ko. ewan. nakakabuwang, sana hindi ganito bukas.
i finished the english assignment:))
i spent half of the day writing and reading the assignment in english:)) woa, yay me. no more problem.
_+_
i finished my reviewer in AP. tsk, my target was to finish all the easy subjects today. but because of the long english assignment… haay. good luck to me
_+_
wala lang. walang nangyari sa holiday ko. tsk. ang boring niya, tinapos ko lang yung assignment. nakakainis. dapat pahinga ko to eh. or dapat nag-aaral na ko. ah ewan. matutulog na lang ako ng maaga
sige, magbabasa ako ng noli.. 20 chapters din yun. 11-30:D yun na yung review ko for quarterly XD
ingats!
