You are currently browsing the monthly archive for August, 2008.
matagal tagal rin akong di nakapagpost… alam niyo kung bakit? kasi maraming nangyari dito. as in marami, at malamang sa malamang, hindi niyo magugustuhan yung mga yun.
this past days, iyakin akong bata. pero buti na lang may mga kaibigan ako. sabi ko nga kay kuya peter kagabi, “kung wala akong kaibigan, malamang sabog na ko ngayon” yun yung dahilan bakit madalas may ’salamat’ sa mga gm ko ngayon
kung wala kayo, malamang sabog na ko. as in yung tipong nagmumukmok na ko sa isang sulok. waaaaa…
batang ospital pala ko ngayon. haha, susunduin ako ni kuya mamaya. sabi ni daddy. yay! makikita ko na ulit nanay ko:D
alam niyo ba, umuwi ako magisa kahapon. well, di mag-isa, kasi sinabay ako ni teresa. pero mejo ganun na rin, kasi nilakad ko mula red ribbon hanggang over pass tapos nilakad ko mula overpass hanggang rfc. bakit? kasi ayokong lumapit sa pinangyarihan “nun” tsk. kaya kahapon parang nagmarathon ako at hilong hilo ako pagkababa ko ng trike. nahirapan na nga ako magmath eh. rawr, at ngayon ko lang nalaman, na 14 pesos na pala ang pamasahe simula rfc hanggang samin, dati 12 lang yun! waaaa. nakakainis.
ang hirap pala magbudget. oo, budget. kasi ako binigyan ng pera dito sa bahay at sakin silang lahat kumukuha. nakakabobo siya lalo na pag may kulang. pero ngayon, kay ate na binigay ni daddy yung pera, kaya pang amin na lang ni cd yung nasakin. 300 pa yun. grabe, hanggang linggo pa yun ni cd. tsk, iiwanan na naman si cd dito sa bahay mag-isa, kasama nila ate dahil nga susunduin ako ni kuya mamaya… kung susunduin ako O.o
feeling ko pinagsakluban ako ng langit at lupa at kinain ako ng buhay. waa, simula yun ng kahapon, kasi malamang, magkocommute na ko mag-isa. okay lang sana kung pauwi lang. kaya ko umuwi from school papunta dito. ang problema ko, laging buo yung pera ko. haaaaay. nakakapraning. haaaaaaaaay
kaya kayo, mag-iingat kayo palagi, kasi kahit nananahimik kayo, mangyayari at mangyayari ang aksidente kung nakatakda yun. haay.
mahal rin talaga ni kuya si ate noh? kitang kita mo sa mga salita niya eh-tita franz
_+_
special mention lang. they deserve it.
t5 [iman, bea, kri, jela], salamat.
philip, salamat, sa mga nagawa na at gagawin pa lang na dapat pasalamatan. sa pag-aalala. sa pagdamay, sa marathon hanggang 10 dahil parehas tayong hindi pinatulog ng mga pangyayari. sa pag-aalok na maghatid na tinanggihan ko. salamat, naa-appreciate ko lahat. kung wala ka hindi ko alam san ako pupulutin.
meng, dahil sobrang nag-aalala ka. saka sa pagpapatahan sakin. salamat.
CCey, dahil inintindi niyo yung pagiging mataray ko nung thursday. pasensiya na nga pala, masyado lang akong nadala ng emosyon. pasensiya na. saka salamat.
teresa, sa pagsabay sakin kahapon at sobrang pag-aalala. salamaaaat.
checa, sa pagintindi na hindi na ko masyadong nakatulong sa report. sorry. T.T
kuya peter, na nagmukha ng tissue dahil siya lagi kausap ko kapag naiyak na ko. kahit na sinasabi niyang wag na ko umiyak, iyak pa rin ako ng iyak
niquey, sa pagsama sakin. salamat.
at sa lahat lahat ng kaibigan ko. maraming maraming salamat po.
_+_
oo nga, tama sila. kapag ang batang babae iniwan ng tatay (dahil magtatrabaho sa ibang bansa o dahil sabog siya at may sarili siyang mundo), ang pipiliin niyang mahalin ay tulad ng kaniyang ama.
![]()
di ako makahinga. BOOOOOOOOOM!
seryoso. ang hirap huminga. gahd. pero kaya pa. XD
san nagsimula to? kasi naghahanap ako ng isusuot bukas. ayos na yung malong, hihiram lang ako. ang problema ko yung black shirt at black pants. stet, bakit black pants? the heck, bawal pa magslippers. anong gusto nilang itsura namen?! rawr.
ang init. nakakainis. di pa rin ako makagetover na bawal magslippers. kasi di ko alam isusuot kong sapatos. waaaaaaaaaaah. di naman bagay magsilver na flats sa all black na damit diba? nakakabobong moment nanaman to.
_+_
i’m planning to change the theme of this blog.
kaso tinatamad nanaman ako. boooom.
you are as big as you feel-stuart little 2
wala lang.
) nakakaaliw yung stuart little 2.
boom. wala na kong makwento sige na yun lang muna
*umusok yung koste ni stuart* snowbell: this is a sign! like the burning bush. “LET YOUR PEOPLE GO!”
=))
ang tagal kong hindi nagpost. yata.
steady lang lahat. filipino week na next week. paguran na to. buti na lang wala akong masyadong gagawin.
)
kahapon, nasa band room kami buong araw, nagawa kami ng… yun:)) nakakapagod. pero may nagawa kami.
wala akong maisip na kwento. rawr
alam niyo bang nagfuflute ako ngayon sa harap ng pc?:)) ang labo eh. ang boriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing.
_+_
crying helps:D hehe. wala lang. share.
_+_
yun na nga yun. wala na talaga akong makwento.
hindi pa pala ko nagagalit ngayong school year.. yung galit sa loob ng silid-aralan ah, hindi yung sa iba XD
wala lang, masyado pang maaga para magalit, masaya naman sa cc eh, kaya hanggat kaya ko, di ako magagalit..
pero kanina, kung hindi siguro ako marunong magtimpi, sumabog na siguro ako kanina. pero buti na lang, naniniwala akong walang mararating ang pagiging mainitin ang ulo at hanggat pwede, umiwas sa gulo.
nakakainis kasi, dami niyang alam. hindi naman talaga yung banderitas yung major concern ko. tumutulong lang ako. hindi naman dapat na ako or si jean or si rikka or si meng or kung sino lang yung lider. gawaing pang buong klase to, dapat pantay-pantay. walang lider lider. dapat pantay pantay yung gagawin ng bawat mag-aaral. hindi ba? tsk. nakakainis. kaya ka napagtitripan eh!
_+_
pagod na yung mata ko! stet lagi na lang ganito. bakit pa kasi masyadong maraming gagawin? haaaaaaaaaaay. buti na lang walang homework. XD
_+_
alam niyo ba, kahapon nasa town ako bago pa man ako magalmusal? haha, late na kasi ako nagising. mga 10 something na yun, eh nagpasama si mama sa atc kasi titingin na rin daw kami ng damit, eh ayun. tsk. naputol yung tulog ko. rawwr.
_+_
pagod na talaga mata ko. kelangan ko na yata magpahinga. sumasakit na katawan ko. T.T haaaaaay lahat na lang. pakiramdam ko kahit anong oras bibigay na katawan ko. T.T tsk
“tutulog ka na? sweetest dreams.”
“be sweet.”
“huh?”
“well, you are my dreams.”
note: 17th of August 2008. hindi ako nakatulog ng maaga dahil sa dalawang kaibigan at renaissance homework:D
may hangover pa ko sa wall e. sana talaga di na natapos yung palabas. tsk.
waaaa. sana talaga di na natapos. T.T
pero sabi nga ni mama allen: “oo nga, sana di natapos…. pero kailangan matapos”
hay. tsk, balik na sa tunay na mundo. alam niyo bang gumagawa ako ng english assignment ngayon?:)) wala lang. nakakairita nga eh, kasi pinrint ko siya, eh ang dami, nagkandagulo gulo yung pages. kaya ayun, nireprint ko. hindi na back to back. kaya ang aksaya ko sa papel. 35 pages. stet.
) tas mamaya may chem at fil pa ko. weeeeeeee. saya ng buhay tatapusin ko muna yung madadali. mamaya na ko magbabasa ng research.
things to do
- english assignment
- chem reaction paper
- filipino homework
- maglinis ng lamesa
dami ah =)) wee. masaya pa rin ako. ayos. inspired magtrabaho. haha, di ako matutulog ng di ko tapos tong mga chorvang to.
_+_
diba you have this science thing the: did you get that? then *claps then stomps 3 times” ramdam ko! thing? we should have one like that in math “did you understand?” “CHORVA!” =)) -sir alan pulido
hahaha. adik. ano bang meron sa salitang yan? weird. wala lang. shinare ko lang yan. walang magawa eh:))
_+_
kakasimula pa lang ng araw ko. hay. buti may mga nagawa na ko.
nunuod ako ng moulin rouge ulit mamaya. imememorize ko yun!
)) or ivivideo ko gamit cp ko. para happy XD
mag-uupdate ako mamaya. promise [what's update in filipino? hmmm]
forever
_+_
done with chem and fil! at pagaayos ng table. weee english na lang and i’m worry free.
di na ko unli T.T tsk. wala namang nagtetext kaya ayos lang.
di ko pa nasisimulan yung pagbabasa ng english. stet. lagot ako nito. walang tulugan. tatapusin ko yun tonight. may dadamay kaya sakin? hmmmmm… sana meron. kung hindi, movie marathon na lang.
_+_
gusto ko magpalit ng layout. kaso di ko magawa, kasi tinatamad akong gumawa ng header. saka wala na kong oras. dami dami pang dapat gawin. di ko nga alam bakit ako nandito, eh pwede na kong magsimulang magbasa. diba? kasi may choice ang tao. at pinili kong magblog kesa gumawa ng homework. anong tawag sakin? either tamad or pasaway. tsk. bakit ba, basta bukas sigurado akong wala na kong gagawin. dahil tatapusin ko to ngayon. tsk. hirap naman nito. 35 pages, long bond paper, 0.12 margins. no spacing. matatapos ko kaya yun? dapat oo o.O
_+_
tsk. sige na nga, kakain na ko, tapos gagawin ko na yun, para makatulog ako ng maaga. sana may mangyaring kakaiba. T.T sana.. sana..
dying is easy. living is hard -house MD
hiwalay na post from this morning
) bakit? wala lang. kaniya-kaniyang trip to. besides, blog ko toh, walang pakielamanan!
)
lift ang ban sa pagiwas sa english!
) [note: sinasanay ko kasi sarili ko sa paggamit ng sarili nating wika] anyway. ayun. halo-halo yung language dito. so steady lang:))
ayun. may chamber. at sa unang pagkakataon, nalate ako.
) ilang minutes lang naman. siguro 5 or 10. or 15? ewan. basta hindi 30 mins.
nagaayos sila ng anthem yata yun. with the first years. ayun. tas flutes na raw. eh aminado akong hindi na ko nakakapagensayo. tsk. kaya pinagscale kami. rawr. so i learned my lesson. LONG TONES. EVERYDAY. kahit mga 10 or 15 mins lang. or mga 3 scales lang. ayos na yun. para lang di manibago. diba?
[stet! ang dilim na rito. oh no!]
ayun. tas dumirecho kami ng sm. kasi nga manunuod kami ng sine. weeeee! sakay kami kela cheska. yung sabay-sabay pumunta: ako, si nique, si cheska [malamang, sakaniya yung sasakyan] si meng tas si philip. ayun. tas nagcheck ng sched. tas ayun kain na ng lunch. 1:00 na rin yun. kaya gutom na kaming lahat. O.o
) tas ayun. mcdo tas ikot ikot. taguan sa toy kingdom. XD tas dumating mommy ni niquey. tas si mama allen! at avie.:)) oo mommy allen.
) bakit mommy? wala basta. amin na lang yun. ako lang tatawag nun sakaniya
) tas ayun. 3:05 kasi yung wall e. kaya ikot ikot muna. hanggang nagdecide kaming umakyat at magpalipas ng oras dun. tas ayun. start na. yay! si meng sa dulo, tas katabi nia si cheska,tas si avie tas niquey tas si mama tas ako. tas si philip
ang cute ng wall e! gusto ko ng ganun. tas ang cute ng boses. nakakainlove:)) weeeeee. hindi ko makakalimutan tong araw na to. aug 16. wall e:D weeeeeeeeeeeeeee. bangag nanaman ako. ayos, wala pang pasok sa monday! happpppppeeeeeeeeyy!
_+_
MOULIN ROUGE
ang cute ng name: Satine. diba? hahaha. love it. ito yung tipo ng movie na hindi ka aantukin kasi maganda talaga siya. ang cool ng songs eh:D mapapawow ka talaga. sabi nga nung kuya ko nung una “bakit ito hiniram mo?” tas maya maya nagandahan na rin. waa. ganda talaga. pero mas gusto ko wall e:)) may memories kasi XD
pero gusto ko ng soundtrack nito.
weeeeeeeeeee.
seasons may change, winter or spring but i will love you until the end of time
weeeee
I LOVE THE DAY..
sobra.
pumasa ako sa ccf! amazing.
) ito na yung final na sitwasyon ng mga QT ko
eng-wooo. steady lang.
math- hindi ko akalaing ganon ang score ko. ayos na yun HAPPEEEY
science-YAY!
fil-swabe lang:D
ap-just right,
ccf- hahahah!
comp-:D happy
tle-ayun:))
overall, masaya naman siya:)) wala akong bagsak. yun yun eh =D
_+_
the greatest thing you’ll ever learn is just to love and be loved and return- Moulin Rouge
nanuod ako kagabi. ganda. sobra. nakakainlove. bibili ako ng sarili kong kopya. muahahaha! ang ganda niya talaga.
_+_
naglinis kami ng band room kahapon! hahaha. as in di mo aakalaing band room siya
) ang linis eh. general cleaning talaga =)) wala lang. ang happy lang XD
sige, update na lang ako bukas o mamaya. nunuod kami ng wall e!yay! ahahaha.
ingat everyone.
“alam mo, nung nasa mcdo kami ng girlfriend ko, nakita niya yung index card niyo. tas nung nakita niya, sabi nia ‘ay ang cute oh, parang ako’ hahaha.”
“kaninong index card po, sir?”
“sa’yo. hahahaha!”
-sir mickey at geca
wala lang
) nakakamangha lang na nagdadala ng INDEX CARDS ng STUDYANTE niya si sir mickey sa mcdo. ahahaha. sa lahat ng pupuntahan na may bitbit na index card sa mcdo pa XD
some of the quarterly exam results were given already. ayun, ayos naman. steady lang. i’m quite contented with it. ayos na yun. yun nakuha ko eh. besides, inaamin kong nung exams week, pag inantok na ko, bahala na si Lord sakin. pero i try to study pa rin. kaso pag inaantok na si gec. good luck XD
ayun. so far so good. kinakabahan ako bukas. CCF! stet.
we had our meeting for the palarong pinoy kanina. black team kami. kasama namin tawi, sk, mor, at sdn. tas kami. so ayun. nagbotohan na for team managers, both student and teacher. tas pinasulat na yung games na gusto namin.. tas after that, labo labo na, kwentuhan na lang saka laughtrip. tas we were dismissed at around 4.30? ayun. pero may flag retreat pa. tsk.
i feel bad today. really! feeling ko i did something wrong to someone. pero di ko kilala sino. tsk. kung sino man yung na-offend ko, or kung sino man yung napikon or nainis sakin kanina. i’m sorry. pasensiya na. i really feel bad. T.T
ang bigat ng mata ko. ewan ko kung bakit, maayos naman tulog ko.. tsk.
currently reading: the Boleyn inheritance. weeeeee! ayos, na kay Katherine Howard na ko. you know what, it’s weird, kasi in our English classes, they spell it with a C, but Philippa Gregory is spelling the names with K’s tsk. anyway. i find “kitty howard” cute. haha. ang weird eh, you call the queen of England “kitty howard” cool. XD pag nagkaanak ako, i’ll name her Katherine, then i’ll call her kitty.
) wala lang. super naaliw lang ako.
i still feel bad. T.T sino kaya? hmm. tsk. i’m so sorry.
i am yours: heart and soul
alam niyo. i love the word “FOREVER” it reminds me of something. ehehe. nakakainspire yang word na yan. pag naririnig ko yan, nagaganahan akong magtrabaho.
) weird? wala lang. share. bangag eh XD
ang boring ng sunday T.T tsk. so wala rin akong makwento
ang late ko nagising. wala lang.:)) tas ayun, as usual, ako lang ulit tao dito. kahit na hindi umattend si mama nung review classes niya. kasi may gagawin raw silang analysis. ewan dun. bahala siya, sanay nanaman ako eh
wala rin yung kuya ko kasi may pasok siya. so kami lang ni cd dito plus the maids:D
ayun. nagbabasa lang ako buong hapon. nung umaga kasi i finished all the school works saka inayos ko yung table ko
ang ayos na niya. yay
) tas wala na kong problema kasi tapos na yung mga homeworks na ipapasa this week, unless may idagdag pa.
kinakabahan ako bukas O.o papasa kaya ako sa english? sa chem? tsk. ewan. bahala na si Lord. second quarter na! yay. tas may filipino week pa:D tutugtog kaya kami? may paggagamitan na kaya ng 70s? namimiss na kaya kami ng hs sa assembly?
) tsk, malabo yun. nakakamiss mag-play sa assembly. tsk, nakakatamad kasi pumila. may flag retreat pang nalalaman. buti na lang math ang last period namin. tas pag pinauwi kami ng maaga, pwede kaming hindi mag flag retreat. YIPEEEEEE! XD
makuha ko kaya yung cake ko from kuya peter? hmmm….
ohkay, wala lang. hehe. yun lang. di ko alam kung kelan ang next update, kung onti lang homeworks bukas, babalitaan ko kayo sa results:D sige. yun lang
i want you to play, not play [gusto kong tumugtog ka, hindi maglaro]-tatay tony
long tones, geca ah. practice- tatay tony
normal Saturday morning! i missed the band room, at di na rin ako sanay magflute. rawr. pero ayun. other than that, wala lang. wala namang kaming ginawa. anthem pa rin. tsk. ayun, tas we graded the freshmen. parang they were asked to play then they need to go out. tas iggrade namin sila.
sa susunod, third year naman daw. anong piyesa? wag niyo sabihing BUONG 70s? bastusan pag yun:)) tsk
andito kanina yung pinsan ko. ang tagal ko na palang di nakikita yun. huling kita ko dun grade 3 lang siya. or 4. ngayon grade 6 na. MAS MATANGKAD NA SIYA SAKIN. shocks:)) puro siya dota. tsk. i miss being a kid. miss ko na mga pinsan ko. ayoko pa magcollege! waa. ayoko pang makita yung results ng quarterly! stet. =)) hay
dami raw lagpak sa exams. shocks. nakakatakot. nakakakaba. shocks. nawala na nga yung kaluluwa ko nung kinuha ko yung exams, ano pa kayang mawawala sakin kapag nakuha ko yung results? ulirat? katauhan? personalidad? pangalan? shooooocks. tanggap ko na yung iba. pero yung ccf. stet, ilang kaluluwa at katauhan ang mawawala sakin sa taong ito? rawr.
_+_
bad mag-away ah, paalala lang batch mates. love you, ophanims.
_+_
kung gagamit kayo ng photo, sana naman magpaalam! nakakainis kasi. tsk. ilantad pa sa publiko. wala na. naiirita na ko. hay. problema niya? sa ayaw ko sakaniya. may mahal akong iba. bakit mo pinipilit sarili mo sakin?! diba may nagmamahal sayo? MAGSAMA KAYO. wag mo na ipilit sarili mo sakin. wala ka ng lulugaran dito. the heck. nakakainis.
rawr. ewan nakakapikon. bakit ba may taong malabo? may taong hindi makaintindi? nakakainis. pusa. kung may problema kayo, wag kayo mandamay!
_+_
chamber! nagupload ako ng photos sa friendster ha? pics ni tatay. wala lang. share
