sabi nga nila, change is the only constant thing in the world. pero sana pag nagbago tayo, for the better sana, yung tipong you’re still the person na tinanggap ng mga tao. yung hindi sila magkakaruon ng kahit konting bahid ng inis/asar/galit sayo. sana lang lahat ng tao ganoon diba? sana lang talaga.
hirap naman nito. ako yung nasa gitna. im trying everything para lang hindi nila sabihing dahil ganon na nga, nagbago na ako. gusto ko, ako pa rin yung geca na nakilala ng lahat, andyan ka man o wala.. pero baliktad pala. hindi pala ako yung nagbago. haaaay T.T Daddy God, help me.
im tired. as in sobrang pagod na ko. iniwan ko pa yung bag ko sa locker. nung andito na ko sa bahay, saka ko lang naalala na andun pala yung script ko. plus yung list ng cast na kailangan. shit. good luck na lang samin bukas. sana lang matapos namin toh on time.
i need inspiring words.. pati moral support. oo, MORAL SUPPORT yung tipong “go gec, konti na lang. 1 week na lang pagdurusa mo. 1 WEEK. kaya mo yan. i love you gec. kaya mo yan. im here to help you.” yung parang ganyan. sana galing sa cv diba? mahirap maging direktor, lalo na kung yung mga katrabaho mo hindi interesado sa ginagawa niyo. yung tipong sasabihan mo ng practice tapos ang daming dahilan para di makapunta. or yung aattend nga ng practice, pero susko naman, 1 hour late, eh 2 hours lang ang practice. or yung andun nga on time, pero hindi sa venue ng practice, andun sa basketball court. amp yan. guys, alam kong maliit lang ako at super tatangkad niyo. please, cooperate naman. grade natin to, at ilang weeks na lang tayo magkakasama. after nito, we all have separate lives. dito ako, dyan ka, wala akong pakielam sayo. yung ganun. konting tiis na lang sana. sana naman ipagpaliban muna natin yung practice sa ibang bagay. kahit isang beses lang. maawa na kayo. hindi lang kayo ang pagod. AKO RIN. tao rin ako.. sige na kung ayaw niyo ko i-consider as tao, creature din ako, parehas tayong gawa ng Diyos. respeto lang. RESPETO.
gagawa pa ko ng speech. T.T sobrang bugbog na ko ng school works na hindi ko na alam saan isisiksik yung sarili ko. oo, nagrereklamo na ko. NAGREREKLAMO. sana man lang may free day.. or ipullout kami pag english or math [chamber:D] mas gusto kong umihip ng flute. kahit na sumakit na lahat ng muscles ko pati lungs ko okay lang. BASTA WALANG MATH. ok na yun. mas masaya magtrabaho kung gusto mo yung ginagawa mo. and hindi ko gusto ang math. never ko siya magugustuhan.
ayun, naghanap lang ako ng lugar para mapaglabasan ng sama ng loob.. i don’t care about comments about these topics. sana lang may makabasa. tapos maramdaman nilang hindi lang sila ang tao sa mundo. may mga ibang tao rin na nagdurusa dahil sa mga pinaggagagawa nila. SANA LANG.. sana lang talaga.

3 comments
Comments feed for this article
February 29, 2008 at 7:53 pm
elmoisred
go gec, one week nlng pagdurusa mo, ONE WEEK nlng. I
Love You Geca. Eto huli kong ginawa buong araw.
February 29, 2008 at 8:44 pm
lara
go GECA!!! kaia mo yan roommate!!! lhat ng friends mo and RASCOMAN!!!
)
March 1, 2008 at 6:12 am
ian:)
gecaaaaaaaaaaaaa.1week na lng.db kaia mo yan?.isang malaking pagsubok lng yan.:).ilang linggo nlang vacation na.ahahaha.mkkatulog ka na rin.=)
anuu.uhm.bka nde kna nkktxt sa busy.pagvacation mtulog ka ng mtulog ha?xD.tc.